Cute Tumblr Themes

Hello there, random stranger! ヾ(。・ω・。)

My name is Monica. I'm a Filipino born on the 29th of December. want to know me better? just ask :)

Nagsisisi talaga ako at nag-summer pa ko =___=

Pano kasi, kaya ang lakas ng loob kong mag-summer ng phys 1 dahil sabi nila, puro concepts lang daw yun and such.

Ako naman tong si shunga, nag-enroll.

Ayun. Nganga ngayon. Dahil ang prof ko sa lecture, imbes na Phys 1 ang tinuturo, ay Phys 3. =___= First time lang daw kasi nyang magturo ng Phys 1, sabi ng isa kong ka-lab.

Pagang paga, sirit dugo.

Lec lang problema ko o, lec lang! :((((

thenewmeiguess:

Usapang crush na naman.

Alam niyo naman kapag usapang crush, talaga namang hindi ako magpapahuli. Kung mapapansin niyo ay madami akong post about sa mga crush. Aminin niyo, nakakarelate din kayo. Attraction man ‘yan, o infatuation, ang crush ay crush. Bow. Parte na ng teenage life natin. Ang…

It’s like air. But better.

Kanina, nasa main lib kami ni nina. Habang naguusap kami, dumating si Arnel. May hinahanap palang libro. Kumaway ako, kumaway din sya. Tinanong ko kung sino kasama nya. Si len daw. Oks.

1 pm, umalis na si nina dahil may klase sya. So naiwan ako mag isa. Maya maya, dumating si Nel at Len. Tapos si len, tumabi sakin. si Arnel, sa harap ko. Edi nagkwentuhan na kami ni len, na namiss namin isa’t isa eklavu kahit kahapon lang e magkasama kami lol. Si arnel, naglalaro lang sa iPad ko habang nakikinig sa music.

Napansin ko yung sugat ni arnel sa ilalim ng mata nya. Pabiro kong tinanong si len kung may frat si arnel. Syempre joke lang yun -__- E etong si len, natuwa masyado, kinulbit pa talaga si arnel at sinabi yung joke ko, kahit sinabi kong wag na. Baliwag lechon.

Tahimik lang si Arnel. Feeling ko naman hindi sya *ganun* kabadtrip nung marinig nya yun. So pinasak nya uli yung earphones sa tenga nya at nag-soundtrip. 100% volume. Rinig ko e. XD

E dun sa katabi naming table, may kablo na naka-head phones. Sabi ko kay Len,

“len nakita mo na ba si Loonie? Yung kaibigan ni Abra, na kumanta ng Tao Lang?”

“bakit?”

“ayun oh.” tapos nginuso ko yung lalaki

tawa kami ng tawa. as in naluluha na kami sa saya. si arnel, nandun pa rin. soundtrip. tapos tinanong ko si len kung bakit imbes na si nel yung tinabihan nya ay ako. ang sabi naman nya, si arnel naman ang nagyaya na lapitan ako, so tumango nalang ako.

tapos andami naming pinagtawanan. napansin ko na tinanggal ni arnel yung earphones nya, pero patuloy pa rin sa paglaro sa cellphone nya. nung paalis na ko, lumipat na si len sa tabi ni arnel. ako, kumaway na ako kay arnel na aalis na ko. tiningnan lang nya ko. parang inirapan pa nga e. di ko nalang pinansin at umalis na.

nung gabi, tinext ko si len kung galit sakin si arnel. sabi nya, akala daw ni arnel sya yung pinagtatawanan namin kanina sa library. in short, oo. nagalit nga.

tapos nalaman ko na iniwan pala sya ni arnel sa C Park. binato pa daw yung wallet ni len. syempre ako, nainis. matatanggap ko pa yung badtrip sya at sina-silent treatment si len e. pero yung iniwan at binato pa yung wallet? taena naluluha na nga daw si len nung mga oras na yun. =___= nakakabanas lang. pwede namang pag usapan e. letsugas lang.

you don’t do that to my friend.